Isang abala sa kanto | Isang abala sa pagtulog | Isang abala sa pagkain | at isang uripon

Isang abala sa kanto | Isang abala sa pagtulog | Isang abala sa pagkain | at isang uripon

Lunes, Setyembre 5, 2011

(3) Hindi raw nya sinasadya

-tulalang isda

Hindi raw nya sinasadya. Aksidente lang daw. Natabig lang. Naitulak. Hindi intensyon. Wala sa plano. Hindi ko maintindihan, kahit anong ganda ng pagkakasabi nya, kahit anong lumanay ng boses nya, at kahit anong lohika ang gamitin nya sa akin, hindi talaga maproseso ng isip ko na di sadya, aksidente, di intensyon. Putangina. Natabig lang daw nya ang nagsa-gulay na nanay ko sa manipis na katre sa may sala kaya ito nalaglag at natuluyan. Dyos ko, awatin mo ko at baka mapatay ko itong inuwing kalaguyo ng kuya ko.

1 komento:

  1. Gusto ko sanang mag-request na.. kumalma ka.
    Kaso.. pagh pinaghalo-halo ang: nanay, sadya, at may konting tago pa ng pagkatanga, ay potek! Ibang usapan yan.

    Paalala mo nalang sa kanya kung nakaninong bahay siya.

    TumugonBurahin