-tulalang isda
Natatawa akong isipin na iniisip ko ito. Kahibangan. Ayokong sabihin sa kahit sino, kahit pa sa malalapit kong kaibigan dahil baka isipin nila nasisiraan na ako ng bait. Bakit nga ba hindi? Ang bata-bata ko pa, ang dami pang pwedeng mangyari sa buhay ko, pero iniisip ko ito! Kaya nga natatawa na lang ako. Tulad kaninang umaga, maaga akong umalis ng bahay (taga Las Pinas pala ako) dahil umiiwas ako sa traffic papuntang Bacoor (Sa call center sa may SM Bacoor ako nagta-trabaho), bagong shine ang sapatos ko, lapat na lapat ang buhok ko dahil sa kapal ng gel na ipinahid ko, bago at plantsadong-planstado ang polo ko. Napansin ko pang namula si Krista nang batiin ko ng hello good morning ganda ng umaga noh. "Hello din Rico." Mahina pa sa huni ng ibon nyang tugon. Pero ayun nga kahibangan. Kahit ilang babae pa, kahit ilang Krista pa ang ihain mo sa akin, kahit anong pigil ang aking gawin, hay may gulay gora na teh, kapwa lalaki rin ang laman ng isip ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento