Isang abala sa kanto | Isang abala sa pagtulog | Isang abala sa pagkain | at isang uripon

Isang abala sa kanto | Isang abala sa pagtulog | Isang abala sa pagkain | at isang uripon

Miyerkules, Agosto 31, 2011

WANTED

Isinulat ito ni ERC ng theannexmatters.wordpress.com

hindi ko alam kung matutuwa ako o mananapak. eto siguro ang epekto na magkaklase kaming napadpad sa aming trabaho. kami lang din ang magkaedad sa aming departamento. higit pa sa lahat, walang ibang aliwan dito tulad ng Facebook, kung kayat nagba-blog at nagbabasa na lang kami ng mga blogs upang malibang. narito ang isang nakakaaliw (?) nyang paskil, mula sa kanyang BLOG. MAY MGA INSERT:IONS AKO HA.  -tulalang isda


Narito ang paskil ni ERC:

Nais ko lamang magkawanggawa sa isang kaibigan na labis ang pagnanais na magkaboyfriend. Narito ang ilan sa kanyang kahilingan para sa isang lalaking paglalaanan ng atensyon - (INSERT: WALA AKONG GANYANG PAGNANAIS. ANG NAIS KO AY MAKAPAG-ARAL!)

1. Kailangan niya ng machong utak na kayang makipagsabayan sa sexy niyang pag-iisip at pamimilosopiya. Kailangan niya ng malalakas na muscle para kargahin at bitbitin ang napakagandang hubog ng kanyang cellula at kaisipan. Siyempre, kung macho na din ang katawan mo, plus factor na din iyon. (INSERT: NANG IINSULTO KA BA?)

2. Kailangan ay nagtataglay ka ng gwapong writing skill. Isang writing skill na ang bawat kataga ay tila liriko ng pagmamahal na dinadala siya sa ikapitong langit. Bawat himig at tugma ay paulit-ulit na umaawit sa kanyang pandinig, bawat linya ay tagus-tagusang kumikiliti at gumagalit sa kasuluk-sulukan ng kanyang pagkatao. Kung real-life gwapo ka, plus factor ulit iyon. (INSERT: HINDI AKO NAGHAHANAP NG GWAPO)

3. Mayaman! Kailangan niya ng mayaman sa karunungan at makapal ang bulsa dahil sa mga libro. Nais niyang umaapaw ang bulsa ng lalaking iibigin, umaapaw sa sangkatutak na libro at magaling mag-impok ng mga libro sa silid-aklatan. Kung mayaman ka sa pera, plus factor na ulit iyon. (INSERT: HINDI AKO NAGHAHANAP NG MAYAMAN!)

4. Magaling sa kama! Tipong bawat indayog ay mapapahalinghing siya sa tuwa at saya, sa bawat paggalaw ay ramdam niya ang kasiyahan at ang sarap. Oo, humahanap siya ng taong magaling sa kama! Sa kama ng PILOSOPIYA at LITERATURA. Gusto niyang sa bawat katanungan niya ay may maisasagot ang lalaki sa kanya, kayang sabayan ang kanyang malalim na pag-iisip na sa bawat haplos at hagod at alam niya kung papaanong mapapaligaya ang diwa ng ating dalaga. Isang taong magaling sa kama ng pilosopiya at literatura kung saan ito ang magsisilbing magkakanlong sa kanilang tahimik at tiwasay na buhay. Kama ng pilosopiya at literatura na siyang kanilang magiging “love’s nest, ” “earth’s paradise,” at pahingahan at datalan sa araw-araw. (INSERT: NAPAKAHALAY NITO! HINDI PA AKO NAHIHIBANG!)

Kung sa tingin mo ikaw na ang hinahanap niya, mag-iwan lamang ng komento at reaksyon

Lunes, Agosto 29, 2011

(1) Hindi ako sigurado kung akin nga iyon

21 July 2011
ni tulalang isda


Hindi ako sigurado kung akin nga iyon. Maraming bagay na hindi ako tiyak. Tulad kanina, nagmamadali akong umalis sa bahay (magmumula sa Indang, sa Pasay ang punta ko) hindi ko matandaan kung nasarhan ko ang gate. Nakasakay na ko sa jeep nang parang maulinigan ko itong umiingit. Hindi ako tiyak na nasarhan ko. O baka may pumasok pala. O lumabas. Malakas ang ingit ng tarangkahan na yun; mangyari pa’y may kalumaan na nga tulad ng bahay na minana pa namin sa aking lolo sa tuhod. Basta, maraming bagay na hindi ako sigurado. Tulad nito: hindi ako tiyak kung akin nga iyon. Pwede kasing hindi. Malamang hindi. Pero paano kung oo? Anak ko raw iyong nasa sinapupunan nya. Okay. Anak ko raw. Maraming ulit na kaming nagtagpo sa mga bahay na walang kusina, pero sa tinatagal-tagal, ay ngangayon lang nagsabing may laman ang tyan at anak ko raw. Kung kelan ako magpapakasal sa nobya kong kauuwi lang galing sa Japan (namatay na ang asawa nitong matandang hapon), kung kelan plano ko nang lumagay sa tahimik saka naman bigla na lang nyang sasabihing “Buntis ako. Ikaw ang ama. Magiging tatay ka na.”

An OBITUARY to JESUS CHRIST


gawa ng ini-ibig ni nakikipagtalik sa oras
FOREWORD: The following is an obituary. It is an obituary to JESUS CHRIST. The writer’s thoughts are of course highly contestable. However, the writer asks the READER to please take time and digest the thoughts presented in this paper prior to any violent reactions and comments the title might provoke. This is an obituary. And if you know what an obituary means, you’ll read this through.
Newspapers (at least in certain newspapers) could not miss or scrap out the obituary section. Some consider this possible the best part of the newspaper: it displays the BEST possibilities of a particular human being. It exposes that GOOD in every man. It makes known to humanity the greatest achievements that specific individual has ever contributed to humanity. But in a way, these obituaries are more often than not left out – singled out – for entertainment, front page, etc. I am not saying this is a bad attitude or mentality. I am saying that people should also try to see and consider this section of the newspaper. Who knows? It might help change one’s outlook of life.
This note, as already mentioned above, is an obituary to Jesus Christ. Yes. Jesus Christ is dead. Jesus Christ is no longer. This is a very brave statement coming from me. But I take up my courage and say once more: YES, JESUS CHRIST IS LONG DEAD. As an effect, people’s reaction is in question form: what made me say so? In addition, a more intellectual person would ask: how did Jesus die? The first question may be answered in many ways. Some would say that basing upon my statement, I am an atheist. I am a thinker, yes, but undeniably I am a Christian – a Roman Catholic as I write this note. People may brand me with words like: agnostic, non-believer, atheist, cult-member, etc. I don’t care. Really, I don’t. What matters is how the second question is answered. And that I will discuss in length in the succeeding paragraphs.
How did Jesus die? This is an intriguing question. A literal man would answer: by Pilate’s hands, or by the chief priests’. These are not satisfactory answers. Let me rephrase the question (and I hope in rephrasing the question, the subject matter might shed some light on this discussion). Why did Jesus die? The answer: Because we KILLED him! Yes. We killed him by our own hands, by our own hearts, and more specifically by our own minds.
Who was Jesus Christ? Let me simply state: he is God, and was man. He is the second person in the Holy Trinity: the Son. And he was man through Mary and Joseph. But now, he is dead. Christ preached several things to the “chosen” and not-chosen people alike. He performed “miracles” to both. There is no place he’d be unwilling to go so long as there is something necessary to do there. After having some acquaintance and a good deal of followers, he caught attention. His service was cut short. In the end, he was crucified. It is believed that after 3 days he rose again. After that, he left humanity an example: a Christian example, a mark specifically designed by Jesus Christ himself. This time, this mark is no longer exclusive for the “chosen” people. It is open, free-for-all. However, after some centuries, he died again. This time, there were no chief priests nor Pontius Pilate behind the scenes. This time, his people killed him.
People have already forgotten the significance of Christ’s teaching.True, there are a number of them. Then, there came a few more additions by the Alteri Christi (other Christs – forgive my Latin if it’s wrong). But by essence, his teaching could be summarized in two – if not reduced: Love your neighbor as you love YOURSELF (1), and The least you did to your brethren, you did it to me (2).
A mentor of mine told me of three great philosophers who have ever lived on earth. Yes. Christ was one of them. I have my prejudiced philosophers. And YES, Christ is one of them! Make no mistake: he is a thinker – a great thinker at that – and as a thinker I speak of him.
What about his teachings? Simple: it could have drawn out the best possible of Earth, of this world we live in. Christ taught man to love his neighbor as he loves himself. Never did he taught to love your neighbor less than you love yourself. It does not speak, also, of loving one’s neighbor ABOVE one’s self. It simply asks man: Love you neighbor AS YOU LOVE YOURSELF. I believe the principle is highlighted already. And for the sake of goodness, please, stop distorting the teaching. So, altruists, and those other preachers of morality who use religion as an avenue to ask man to denounce themselves and live for others, as a mask to counteract the shame of such a betrayal, and as a vanguard to shield your contradicting premises, THINK AGAIN!
The second one is more controversial. People have forgotten that religion ought to make this world a better place to live in. However, things have turned around. Now, it is more of suffering more on earth so you’d reap your rewards on the other world. Let me clear myself: I don’t really care if such other worlds exist. But I am aware of the fact that this land my feet set on is real. And that I ought to take good care of it.
People go to church every Sundays, and they go to hell the rest of the week. This is a statement of one of my mentors in the University. And in my years of “service” to the church, I have met a good deal of persons who live up and testify to this statement. These persons make it real. Despite the reading of the scripture, and interpretation of it, as if nothing happened in the Sunday Mass. People have forgotten that the church’s door is also one of the most important parts of the place: it is where and when one’s duty starts to take place. But as I said, people have forgotten of that basic principle. They have come to believe that being a good Christian means going to hear mass every Sundays, regular confessions, etc. These are just superficial. I won’t say what is expected of a good Christian. As a person, he or she is already given the tools needed for survival; these tools need only be realized.
For sometime already, the point of origin barely remembered, there have been shifts man has failed to notice carefully. It might have been a moment too late already by the time he realized such changes. One of the distinct shifts is the concept of service. Jesus himself was followed. He has couples of apostles and disciples at his beckon. But he did not demand too much service. Truth be told, these apostles and/or disciples are getting familiarized with Jesus’ teachings so as for them to continue what was started. But the following “successors” had distorted this by the institution of the church. From the original concept of doing God service through His people, the focus is now on God. (PERIOD) There is a neglect of the concern for the people. MOREOVER, there is detrimental attitude of forsaking one’s self for GOD. Question: If God is indeed perfect, omnipotent, omniscient, etc., does He really need to be praised and worshiped MORE THAN what is ought? (That is if God ever needed praise and worship.) More regrettable, however, is the fact that God is given more attention than the needs of his people. REMEMBER: God sent His only Son to redeem the world. But it was useless. The people have forgot the entire sense of it.
It seems that Jesus’ first teaching is forgotten: love yourself as you love your neighbor. Putting in priority God’s people or the people that Jesus consciously died for on the cross is not an act of idolatry. The term idol has more meaning to what the communal standards imply (for a more detailed discussion of this term, refer to my previous note). So, Jesus asks humanity to be an instrument of God’s love and peace by making this place a better place to live in. He never asked to be praised and worshiped for saving us. He asked that humanity VALUE his death on the cross. He did not ask anybody or anyone to establish a variety of institutions and interpret his death on the cross.
The least you did to your brethren, you did it to me. This statement, finally, does not mean that you focus on your brethren alone. This does not mean man is supposed to merge and indulge himself in communal living whatever and abandon that POWERFUL word – I – in exchange for the word brethren: WE. It must be remembered that one needs to love one’s self to be able to love your neighbors. Now, i ask the moralist altruist using Christianity or any religious institution for cover: How could you give yourself to your “fellow brothers and/or sisters” without having a self in the beginning? How could you ever imagine a community which practices self-denial in service of fellow brothers and/or sisters? And in such a community, who are those brothers and/or sisters when everybody serves one another? It does not make sense.
Praising and worshiping God (the Holy Trinity) does not reserve humanity slots in the Kingdom of Heaven. Praying the rosary alone (without taking care to live up to its meaning) will not make that claimed PARAISO one step closer to reality. Doing Taize or any sort of meditation without realizing the hierarchy of needs of yourself and your neighbors will not help in the development of your being. These superficial acts without ever realizing the nature and the reason behind it (if the reason is not available for SOME reasons, discovering the cause is enough), will bring distortion and confusion in one’s quest on earth.
Jesus would be sad. He willingly died on the cross to save the people just to see them fighting each other for another day. He consciously gave his human life just to see that the earth is still as war-torn as before. He shared his “spirit” just to see that his “representatives” make a good deal of distortion of his teachings. That is what is happening in reality. That is what you, the reader is experiencing in the present time. And most probably, that is what you are doing.
That is why this is called an obituary. This is a statement of what would have been called a Christ-ian world. This is a record of the foul interpretations and malpractices of certain individuals. If you ever have the feeling of getting mad, sad, and depressed after having read this obituary, but do nothing in return, shame on you. But for those who realize that something is to be done, that some things needed certain attention, let this obituary be a challenge – a challenge to stand up, a challenge to realize what was once a best possibility, and a challenge to rediscover the teaching of Jesus.
But as of this moment, let me pay this obituary to a man named Jesus Christ!

Isagani Cruz is an adulterer, and he's proud of it




 repost ni kapurit na laman

SPEECH DELIVERED AT THE CLOSING OF THE TWO-DAY LANGUAGE AND LITERATURE SEMINAR ON "RE-THINKING AND RE-DIRECTING PARADIGM AND PEDAGOGY IN THE TEACHING OF LANGUAGE AND LITERATURE" HELD AT FAR EASTERN UNIVERSITY, 19 FEBRUARY 2011, SPONSORED BY THE ALLIANCE OF LANGUAGE AND LITERATURE TEACHERS (ALLT)

Since you are teachers of language and literature, allow me to think aloud through a Homeric simile or, if you wish, a 17th-century conceit, or simply, a talinghaga
I am an adulterer.  I have a wife and two lovers. 
My wife is the English language.  I married her, making my marriage vows to her, my credentials, my MA and PhD in English, at the Ateneo and at the University of Maryland.  She cooks my meals, gives me sustenance, by helping me participate in meetings for which I get paid.  She bears my children, which are my English columns and books.  I come home to her, I rush back into her arms when I want to feel secure.  I love her.  I love English. 
I have a lover, who is female.  My girlfriend is the Filipino language.  She is much sexier than my wife, because she has all these terms for taste, smell, and touch – the senses that I use when making love.  She is much younger than my wife; English was born about 1,500 years ago, but Filipino was born only in 1973.  My girlfriend’s mother is Tagalog, but her father is Spanish and her grandmother is Chinese.  That is why she is so attractive, because she is down to earth like the Tagalogs and practical like the Chinese, yet she speaks the language that God speaks.  You know, of course, as the Spanish people put it so well, that “children speak in Italian, ladies speak in French, God speaks in Spanish, and the Devil speaks in English.”  Yes, my girlfriend thinks my wife is a devil. 
I have another lover.  He is male.  My boyfriend is literature.  He understands me much more than my wife or my girlfriend does. 
I have to struggle with my English, worrying about whether my behavior, my grammar, is perfect.  I am always so careful when my wife is around.  On the other hand, I cannot take my girlfriend to so-called respectable gatherings.  People do not look kindly at me when I use Filipino to speak at big education or business or international conferences.  Of course I enjoy caressing my girlfriend’s body, all the literary works written in Filipino, such as those by Bob Ong, but I am a bit apprehensive about boasting about her, because my wife is extremely jealous of her.  When I travel outside the country, I have to keep introducing and apologizing for my girlfriend, something I do not have to do with my wife.  Fortunately or unfortunately, my girlfriend is not well known outside the country, so I can take her there and limit our friends to the ten million or so of my compatriots working or living abroad.  Abroad, my girlfriend is our shared secret and we can talk secretely without my wife knowing anything about her. 
But the situation with my boyfriend is very different.  I can take him with me anywhere I go.  Nobody raises an eyebrow when we travel together, stay in the same hotel room, engage in public displays of affection.  After all, boxers and basketball players hug each other tightly, cry on each other’s shoulders, even walk together with their arms on each other’s shoulders.  People think it’s natural when I quote lines from literary pieces, when I have a book of poetry tucked under my arm as I walk down a street, when I read a novel in public.  In fact, when I quote a line or two written by my boyfriend, people even applaud. 
Of course, like other adulterers, I have to admit that I have a real psychological problem, for which I need to see a psychiatrist.  I also have a spiritual problem, for which I need to see a priest or pastor.  Moreover, I have a philosophical problem, because I do not really know who I love more or best or all the time. 
I write in English in an English newspaper.  I talk in English when I am in an international or even sometimes in a national conference.  But I do not really like being with my wife all the time.  I get bored with her and she gets bored with me.  We have done so much together that we find that there is not much to do that now interests us.  Besides, she always seems like a stranger to me.  Like the Duke in Robert Browning’s poem, I feel like my wife, my last Duchess, bestows her favors on everyone, not just on me.  I do not feel that she belongs to me.  I do not own her nor does she want to be owned by me.  She insists on her own rules and does not want to make allowances for my weaknesses. 
On the other hand, I write in Filipino when I feel The Urge, when I feel hot and eager, when it is that time of the month when my hormones are raging and I just want to have someone I can have a very physical, very honest, very intimate, very enjoyable time.  I do not have to worry about my behavior, my grammar, when I am with my girlfriend.  I can let my hair down, whatever is left of it.  Since she is young, she looks up to me and admires me.  She does not have a personality cast in stone, so she does not mind changing when I want her to change.  Since I give her a condo, a maid, a car, and spending money, I own her.  I create words that she has to include in her vocabulary.  I teach her.  She is not my teacher, the way my wife is.  She is my student, someone I mold according to my own likes and dislikes. 
Still, I look forward to being alone with literature, being alone with a short story or a poem or a novel, watching a film based on a literary text, writing a literary text.  My boyfriend combines the best traits of my English wife and my Filipino girlfriend.  He is equally comfortable with both and he joins my wife and me when we entertain at home.  He joins my girlfriend and me on trips abroad.  My wife and my girlfriend, not being of the same gender as I am, do not really understand my needs, physical or psychological.  But my boyfriend does.  He excites me, keeps me interested, makes me eager to be with him, with his texts done from the time of Sophocles to the time of Jaime An Lim, Gemino Abad, Cristina Pantoja-Hidalgo, Oscar Campomanes, Ferdinand Lopez, and all the writers in this audience.  He knows exactly how and where to excite me.  He is one with me in emotions, in sex, in love, in everything. 
It’s not easy being an adulterer.  My wife does not want me to be with my girlfriend.  My girlfriend wants me to leave my wife and to marry her instead.  My boyfriend wants me to be alone with him, not with my wife nor with my girlfriend.  On the rare occasions when I have all three of them around the dinner table, they seem cordial enough, though I know that they really cannot get along that well.  My boyfriend keeps breaking the rules of grammar that my wife and my girlfriend make.  My wife keeps telling me that she is from a very rich and old family and I would be a fool to leave her.  My girlfriend says that my wife does not understand me and only she can. 
It’s a mess.  Sometimes I feel that I should just go into a Trappist monastery and renounce all language, keeping a vow of silence instead.  But my boyfriend insists that he should come with me to the monastery.  They let males in there, but not females.

Sometimes I feel that I should just find an uninhabited island among the 7,100 islands of the Philippines and live there without books, without anyone, but my boyfriend is already in my memory, my wife has molded my thoughts, and my girlfriend has conditioned my physical needs. 
There is a practical solution, but I don’t want to take it.  I could just leave the country and become an OFW in a country that does not speak English – and there are quite a number of these countries.  That way, I will never use English, there will be no reason to use Filipino, and I will soon forget all the classic lines of literature that define my being.  But there’s a catch.  That country will have its own literature.  I will surely find a new boyfriend.  My boyfriend will surely introduce me to a new girlfriend.  Before I know it, my new girlfriend will become my wife, and I will be back where I started. 
I am glad I was invited to this seminar, because I can now rethink and redirect my personal paradigm.  I can now teach myself a new way of looking at myself, rethink and redirect my pedagogy in teaching language and literature.  In my imagination, I can be constructive.  I can resolve issues.  I can keep alive my live circuit.  I can break out of my depression and get rid of all my repressions by letting the world know who exactly I am. 
I am an adulterer, and proud of it.  Maraming salamat po.

Anong mararamdaman mo: Kunware dedicated ka sa pag-aaral nung college kaya iisa lang ang naging crush mo sa klase nyo...

tapos matapos nyong grumaduate

makalipas ang apat na taon

malalaman mong isa pala syang bekimon?

</3

imahe mula sa sidereel.com

- ang pinaka intelektwal na paskil ni tulalang isda


Linggo, Agosto 28, 2011

Kunware Holiday ngayon, bukas, pwede ring sa susunod na bukas...

ni nakikipagtalik sa oras

Bakit ba may loooooong weekend ngayong buwan ng Agosto 27-30, 2011?
Isang simpleng sagot, dahil iyan sa naisipan ng dati nating shooooorrt President mga NOY. Naalala niyo ba ang tinatawag ng “movable holidays”? Sa terminong legal ito ang Republic Act 9492 o tinatawag ding Holiday Economics, kung saan ang isang pagdiriwang ng holiday ay isinasagawa sa pinakamalapit na Lunes. Upang maiwasan ang kalituhan ito ang kopya ng nasabing batas:

Manila
BY THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
PROCLAMATION NO. 1699 
DECLARING THE REGULAR HOLIDAYS AND THE SPECIAL (NON-WORKING) DAYS FOR THE YEAR 2009
WHEREAS, Republic Act (RA) No. 9492, dated July 24, 2007, amended Section 26, Chapter 7, Book 1 of Executive Order (EO) No. 292, also known as the Administrative Code of 1987, by declaring certain days (specific or movable) as special or regular holidays;
WHEREAS, RA No. 9492 provides that holidays, except those which are religious in nature, are moved to the nearest Monday unless otherwise modified by law, order or proclamation;
WHEREAS, May 1 (Labor Day) has been celebrated on its exact days as a long cherished tradition of workers who fought very hard to institutionalize such a holiday in the country, as well as an international event celebrated on such exact date;
WHEREAS, in order to foster closer family ties during All Saints Day, as well as to enable our countrymen to observe Christmas more meaningfully, declaring November 2 (Monday) and December 24 (Thursday) as additional special (non-working) day throughout the country will strengthen the family relationship by providing longer weekends and renew ties for a longer period of time, as well as to promote domestic tourism.
NOW, THEREFORE, I, GLORIA MACAPAGAL-ARROYO, President of the Republic of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by law, do hereby order:
SECTION 1. The following regular holidays and special days for the year 2009shall be observed in the country:
A. Regular Holidays
Maundy Thursday
April 9
Good Friday
April 10
Araw ng Kagitingan
April 6 (Monday), Monday nearest April 9
Labor Day
May 1 (Friday)
Independence Day
June 12 (Friday)
National Heroes Day
August 31 (Monday), Last Monday of August
Bonifacio Day
November 30 (Monday)
Christmas Day
December 25 (Friday)
Rizal Day
December 30 (Wednesday)
B. Special (Non-Working) Days
Ninoy Aquino Day
August (Friday)
All Saints Day
November 1 (Sunday)
Additional special (non-working) day
November 2 (Monday)
Additional special (non-working) day
December 24 (Thursday)
Last Day of the Year
December 31 (Thursday)
SECTION 2. The proclamation declaring a national holiday for the observance of Eid’l Fitr shall hereafter be issued after the approximate date of the Islamic holiday calendar, or upon Islamic astronomical calculations, whichever is possible or convenient. This end, the Office on Muslim Affairs shall inform the Office of the President on which day the holiday shall fall.
SECTION 3. The Department of Labor and Employment (DOLE) shall promulgate the implementing guidelines for this Proclamation.
SECTION 4. This Proclamation shall take effect immediately.
SECTION 5. This Proclamation shall be published in a newspaper of general circulation.
IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto set my hand and caused the seal of the Republic of the Philippines to be affixed.
DONE in the City of Manila, this 24th day of December in the year of Our Lord, Two Thousand and Eight.
(Sgd) GLORIA MACAPAGAL-ARROYO
By the President:
(Sgd) EDUARDO R. ERMITA
Executive Secretary

Eh Kunwari may bagong panukalang batas na ganito:

Manila
BY THE PRESIDENT OF THE KMG
PROCLAMATION NO. 16999999 
DECLARING THE REGULAR HOLIDAYS AND THE SPECIAL (NON-WORKING) DAYS FOR YOURSELF EVERY YEAR 2009
WHEREAS, Republic Act (RA) No. ABCDEFG, dated July 24, 2007, amended Section 26, Chapter 7, Book 1 of Executive Order (EO) No. XYZ, also known as the Self Administrative Code of 1981, by declaring certain days (of your choice) as special or regular holidays;

Hindi pa tapos itong panukalang batas na ito, kung gusto niyo itong matuloy i-like ang post na ito. Kapag naka-one million likes tayo dead sure pasado na ito pipirmahan na lang ng sinumang naka-upong Presidente.

Kaya may KMG

ni nakikipagtalik sa oras

Marami siguro ang nagtataka bakit bigla na lamang nabuo itong pahinang ito sa cyberspace. Sino ba ang mga taong ito na kung anu-anong pinagsasabi eh kung tutuusin ang mga salita at ideya na mababasa dito ay maaring nabasa mo na o mababasa mo rin sa iba? Anu naman kung kami ang nagsalita tungkol sa bagay na nais naming pag-usapan na maaring patok ring pinag-uusapan ng komunidad, may magbabago ba?

Kaya napag-isipan kong ilahad ang aking layunin sa paggawa ng blog na ito. Hindi ko lubusang batid kung ang layunin ko ay layunin rin ba ng aking mga ka-lupon sa blog na ito. Maaring oo, maaring hindi.  

Una sa lahat batid kong hindi kami yayaman sa blog na ito. Pero umaasa akong balang araw (to the extreme hope) may mabuting kalooban na matuwa sa mga pinagsasabi namin at ma-ilibre man lang kami ng kape. (Starbucks ha? Vanilla Frappe Venti order ko po)
Pangalawa. Gusto kong maging bantog! Bakit ba? Masama?! Pero naisip ko, paano mangyayari ‘yun eh puro pen-names lang ang gamit namin dito.
Pangatlo.  Ito siryoso, fulfilling ang pakiramdam tuwing makikitang may mga nagbyu-view ng blog namin. Alam mo iyong ORAS na inilaan nila, yung effort sa pag-click para mapunta sa webpage namin..MARAMING SALAMAT. In short, papansin kasi ako..ayun fulfilling sa feeling kapag napansin syempre!
At pang-huli…bilang naka-isip ng titulo ng blog page na ito, ang KUNWARE MAY GANITO ay isang blog na walang TIYAK na tema o layunin. Bunga lang ito nang aking pagkakamali noon, may nauna pa kasing kaming blog bago ito. Nagkaroon ng problema, ayaw magload ng maayos ng lay-out kaya gumawa ako ng bago, at ito iyon.

Hindi kami kasing tanyag ni Bob Ong o kasing galing ni Jose Rizal magsulat. Gayunpaman, kaya may ganitong pahina sa cyberworld ngayon dahil ang mga taong bumubuo ng blog na ito ay bored sa buhay at napagtripan gumawa nito. Joke lang. Yung tooo, may nais kaming sabihin. Hindi rin kami mga superheroes na maililigtas ang mundo sa pamamagitan ng pagsusulat dito, ngunit sa munti naming paraan ng pagpapahayag ng aming mga ideya, opinyon at suhestiyon  nawa ay makatulong sa pagpapalwak ng karunungan.

KUNWARE MAY GANITO
...kung may maituturing na layunin ang blog na ito, siguro ito ay ang pagbubukas sa isipan ng tao na minsan sa ating buhay may mga bagay na ganito at hindi ganyan… 

Si Pepe at Si Jose

ni kapurit na laman

Musmos man ituring,
sa likod ng katotohanan isang malayang bata silang nagpapalipad ng saranggola.
Batakin ang pisi, batakin pa ng batakin,
tatayog naman ng tatayog ang papel de hapon sa langit.
Magkasamang magpalipad, magkasamang lilipad,
sa katayugan 'di sila mapigil 'gang di nauubos ang pisi.
Ngunit bago maubos ang tali ng saya, ang pisi ay napigtal,
ang papel de hapon ay pumahimpapawid ng tuluyan, di na maabot, di na makukuha.
Kahit na, sila naman ay naging maligaya,
naging malaya, naging marahas, ngunit maligaya.

Sabado, Agosto 27, 2011

Aaminin ko: Isang Tugon kay G. James Soriano ukol sa Wika, Pagkatuto, Pagkakakilanlan, Pribilehiyo

ni kapurit na laman

Aaminin ko, isa ako sa maraming Pilipino ngayon na maskomportable sa paggamit ng wikang Ingles. Bilang isang dating dalubguro ng Pilosopiya sa isang pamantasan, at isa sa maraming Pilipino na nagtrabaho sa call center, ang wikang Ingles ay naging bahagi na ito ng pang-araw-araw kong pamumuhay. Sa silid-aralan, ang wikang gamit upang magturo ng mga asignatura sa Pilosopiya tulad ng Lohika at Etika, kailangan mong gamitin ang Ingles bilang wikang gamit sa pagtuturo. Mahirap naman isalin sa wika natin ang mga terminolohiyang synthetic a priori, Boolean Algebra, propositional calculus, atbp. Ganun din sa call center, libo-libong banyaga ang nakausap ko nitong nakaraang taon lamang, may Awstralyano, Tsino, Indiano, Amerikano, Griyego at kung anu-ano pang lahi. Kada tawag ang madalas na bubungad sa’yo “G’day mate how you goin’ today?” (gud-die mayt, how yu go-win to die?). Akala mo tinatanong ka kung paano ka mamamatay. Halos na-adopt ko na ang kanilang punto (accent). Sa pagsasalita ng Ingles, ako ay mas naging non-rotiko (non-rhotic). Aaminin ko, hindi na ako ganun katatas sa ating Wikang Pambansa. Gayunpaman, mananatili at mananatili ito sa aking puso gaano man ko maging katatas sa iba pang wikang aking inaaral tulad ng wikang Español at wikang Nihongo.

Bago ko isulat ito, kausap ko kagabi ang isa sa mga dati kong mag-aaral sa isang asignaturang pampanitikan sa facebook at cellphone, pinag-uusapan namin ang tungkol sa sikat na artikulo ng isang mag-aaral mula sa Ateneo, si G. James Soriano. Ang wika ko sa aking mag-aaral na ngayon ay isang malapit na kaibigan, “magsulat kaya ako ng isang tugon sa artikulo ni G. Soriano sa baybayin?” Ngunit aking napagtanto ang mga suliraning pangkomunikasyon na haharapin nito. Tunay nga na may font nang baybayin (o maskilala sa ngalang Alibata, ngunit mali ang huli), at para magawa ito, kailangan ko pang i-download ang ganoong font, at ganoon din sa aking magiging mambabasa. At higit sa lahat, ilan bas a mga modernong Pilipino ngayon ang marunong magbasa sa panulat na baybayin? Iilang dalubhasa at iilang mag-aaral lamang  ang nakakabasa nito kahit na ito ay simple lamang at madaling matutunan. Tulad ng ibang panulat sa Asya, ang baybayin ay kabilang sa tipong Abugida tulad ng hiragana ng bansang Hapon, hangul ng Republika ng Korea (South Korea), at bramiko ng mga nasyong Indiko tulad ng India, Pakistan, at Thailand. Kaya ngayon, ang mga titik sa artikulong ito ay Romanisado.

Oo, hindi ko kayang panindigan na isulat ang artikulong ito na hindi gagamit ng mga hiram na salita dahil sa ilang suliranin ng pagsasaling-wika. Matibay itong makikita sa simula  pa lamang ng artikulong ito. Ang wika natin ay Wikang Buhay, sa madaling sabi, ito ay patuloy na nagbabago at nakikisama sa kalagayang pulitikal, ekonomiko, kultural at sikolohikal. Sa mahabang kasaysayan ng ating bansa at ng ating wika,  marami na tayong pinakisamahang pag-inog na kultural na isang internasyonal na penomenon (phenomenon). Nandiyan ang hippie, rock, hiphop, emo, jejemon, at bekimon. Sa katunayan,  ang huli ay ebolusyon na lamang ng mga nauna pang sistema ng komunikasyon ng mga kapatid nating nasa ikatlong kasarian. Nang ako’y magtungo sa Davao, doon ko napag-alaman na iba rin ang sistemang gramatiko at leksikal ng mga nasa ikatlong kasarian sa Kabisayaan at Mindanao. Ang jejemon naman ay natanyag dahil sa kakaibang leksikal na istraktura ng mga kabataang nahihilig sa pag-te-text. Sa ganitong mga pangyayari, masasabi at makikita natin na ang ating wika ay tunay na buhay, nakikisama at nagbabago ayon sa kaligirang pangangailangan nito.

Noong ako’y nasa pamantasan, bago magtapos, ang aking thesis ay tungkol sa Intra-istruktural na Limitasyon ng Wika, Pag-iisip, at Gawi ng mga Tao. Sa pananaliksik na ito, aking binigyang diin na ang pag-iisip at gawi ng tao ay limitado sa kung anong wika ang mayroon s’ya. Kung kaya’t masmalawak ang limitasyon ng kaisipan ng isang taong masmaraming alam na wika, tulad ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Mapalad tayong mga Pilipino na pagkapanganak pa lamang, may potensiyal na tayong maging bilingual, at maaari pang maging multilingual depende sa pangkat etnikong kinabibilangan natin at sa dayuhang lahi natin kung ito ay kalalakhan.

Pinalaki ako ng aking mga magulang sa wikang Ingles, ayon na rin sa kagustuhan ng mga kamag-anakan namin na nasa Estados Unidos na naninirahan at madalas na nagbabalikbayan. Ang kanilang paniniwala: ang batang kinalakhan ang wikang Ingles ay higit na masmatalino kaysa sa isang batang  unang natuto sa wikang Filipino; masnakakamangha ito sa marami, sosyal ika nga. Kasabay ng wikang Ingles, natuto akong magbasa at magsulat sa Filipino sa edad na 2. Kailangan kong matuto sa wikang Filipino higit sa Ingles sapagkat ang mga kalaro ko noon ay nagsasalita ng Tagalog, at ang wikang Ingles ay ang wikang mga elitista ang kadalasang may gamit. Kapag sa Ingles ka nagwika, magiging tampulan ka ng tukso at pang-aasar, ‘Spokening Dollar’ ika nila. Di naglaon, ang tatas ko sa wikang banyaga ay natabunan ng higit kong tatas sa Filipino.

Sa aking paglaki, namulat ako sa iba pang mga wika. Mi abuela es bueno en la lengua Española y Latina (ang aking lola ay magaling sa wikang Espanyol at Latin). Kadalasan, sa mga wikang ito s’ya nagdadasal, doon ko unang natutunan ang mga banyagang wikang ito. Sa pagsasaling-wika ko rito, mashigit akong nakakapagsalin sa paraang Filipino tungo Español at Español tungo sa Filipino kumpara sa paraang Español-English-Filipino at Filipino-English-Español o sa English-Español at Español-English. Dahil ito siguro na karamihan sa bokabularyo natin ay galing sa wikang Español. Dahil din sa lola ko, natuto ako ng ilang salita at pangugusap sa kapampangan dahil s’ya ay mula sa Pampanga. Ilan dito ang “nanung buri mo?” kapag tinatanong ako ng kung ano ang gusto ko, ”mekeni!” kapag ako ay tinatawag, at isang nakakatuwang pangungusap para sa maraming Pilipinong Tagalog “nasapo keng bola keng lalam ng tete”, na ang kahulugan ay nasalo ko ang bola sa ilalim ng tulay (I caught the ball under the bridge). Nandiyan din ang biro na ang itlog pagtawid mo sa tulay ng Pulilan ay magiging ebun na [After crossing the bridge of Pulilan, your egg (itlog) becomes a bird (ebun,or ibon for Tagalog is a bird)]. Dahil din sa aming kasambahay dati, natuto rin ako ng Ilonggo. Sa pagpunta sa Davao, natuto ako ng konting Cebuano, at sa Baguio, ilang salitang Ilocano naman ang aking natutunan.

Sa sistema ng Edukasyon na mayroon ang ating bansa, dalawang asignaturang pangwika ang dapat nating aralin, Filipino at Ingles. Anim na taon sa Elementarya, apat na taon sa Mataas na Paaralan, at tig-siyam na rekwisitong yunit sa parehas na wika pagdating sa pamantasan. Ang agham at matematika ay tinuturo rin sa wikang Ingles. Sa labindalawang taong pag-aaral ng Ingles o higit pa, maliit na bahagi lamang ng mga mag-aaral natin ang tunay na matatas sa wikang ito. Malamang, may ilang pagkukulang tayo sa sistema ng ating Edukasyon kung bakit ito nangyayari. Nasasakripisyo na ang ating sariling wika ngunit tila kulang pa ito para lamang matutunan ang wikang banyaga.

Sa listahan ng mga wika, mayroon tayong sariling uri ng Ingles, tinuring ito ng mga dalubhasa sa wika bilang ‘Philippine English’. Ang ortograpiya at sistemang gramatiko nito ay base sa Pamantayang Amerikano, ngunit ang ponolohiya ay impluwensiya ng Pangkat ng mga Wikang Malayo. Karamihan ng mga Pilipinong nag-i-ingles, kahit ang mga aral, ay may suliranin sa pagbigkas ng /f/ at /v/, at higit na mas-rotiko ang ating pagbigkas kumpara sa mga Amerikano dahil sa impluwensiyang Kastila.

Sa artikulong sinulat ni G. Soriano, na isinulat sa ayon sa kanyang pananaw, marahil gusto lamang niya tayong imulat sa kung gaano na natin napabayaan ang ating wika, na ayon sa kanya, “Filipino…was always the ‘other’ subject…” na halos tulad na ng PE at Home Economics pero kasing bigat ng Agham, Matematika at Ingles pagdating sa kaukulang yunit at pagbibigay ng grado. At dahilan nito, isa s’ya sa ilang Pilipino na nagsasabing ang wikang Filipino ay hindi wika ng pagkatuto (language of learning) ‘di tulad ng Ingles, na ito’y kanya lamang ginagamit kapag kausap n’ya ang kanilang kasambahay (katulong ayon kay G. Soriano), si Manong, mga tindera, mga kamag-anak sa probinsya at mga tao sa kalye. Sa linya ng kanyang mga proposisyon,  ang Filipino ay importante lamang  dahil ito ay praktikal, wika sa labas ng silid-aralan. Aking iniisip ngayon, purong Ingles yata sila magkwentuhan sa kanilang paaralan. Galing nga s’ya sa Ateneo at tanyag ito sa pag-i-ingles ng mga mag-aaral nito, at nakita ko naman, bilang isang dating nag-aral sa pamantasang iyon, na maraming mag-aaral ang nagkukuwentuhan sa wikang Tagalog.

Sa kanyang panulat, banaag mo ang elitistang lipunang kinalakhan niya. Isang malaking ebidensya ay ang kanyang code-switching na madalas makikita sa lipunang elitista ng Pilipinas. “To tell your katulong that you had an utos, and how you texted manong when you needed sundo na”. Maaaring gusto n’ya tayong imulat, at dahil doon, salamat G. Soriano. Ngunit sana man lamang ay naging mas sensitibo ka  sa iyong pagsusulat. Oo, kumambyo s’ya sa pagwikang “it might have the capacity to be the language of learning…” pero bigla na naman s’yang humarurot “…but it is not the language of the learned”. Totoo at marami akong alam na wika, Wikang Pambansa, mga wikang lokal, at mga wikang banyaga, at bilang isang Pilipinong aral (learned), gamit ko ang ating wika bilang wika ng mga aral. Katibayan ang artikulong ito. Kapatid, nakalimutan mo yata na maraming propesyunal at mga pulitiko natin ay ‘di matatas mag-Ingles. Napagtagumpayan nila ang kanilang mga larangan gamit ang Wikang Pambansa. Nakalimutan mo rin yata ang maraming manunulat ang nabubuhay dahil sa ating wika, tunay na wika ng Kabuhayan. Nakilala sila at naging bantog at higit pang aral kumpara sa kasalukuyang katayuan mo. At maraming tao na Ingles ang kanilang wika, ngunit sila ay mangmang, ‘di tapos, o ‘di nakapag-aral: “Fair dinkum, I don’t know how to spell that well mate, that’s why I call you.”

Bilang isang akademiko na nagturo ng Pilosopiya, just my two cents mate, why not take extra units in Ateneo’s Kagawaran ng Pilosopiya, take Introduction to Logic and Foundations of Moral Values in particular. I hope you’ll give a dime for this. It is for you to become more logical about some of your propositions in your article, and become more sensitive in delivering an issue like this, and hence, more sensitive about your readers since most of them are Filipinos. Yes, you might want to remind us of our neglect of our own language today, but at least, be more discreet on delivering the matter on the floor. Playing the devil’s advocate about the issue is not an excuse.

It is true that our language defines our identity. But with this identity, I want to quote my former professor Dr. Fernando Zialcita in his book Authentic Though not Exotic, “Identity simultaneously includes and excludes. To define yourself as a part of a group is to distance yourself from those who are outside it.” Mr. Soriano, you are truly connected and disconnected.

Isang pagtutuwid bago ako magtapos, ang ‘ay’ ay hindi isang preposition, isa siyang inversion marker, o maaari nating sabihin na isang linking verb, be-verb, o copula. Sa Tagalog o Filipino, ang word-order ay pinangungunahan ng  Pandiwa (verb), kung kaya’t higit kang masmakaririnig ng mga pangungusap sa tunay na buhay tulad ng “Naglalaba si Maria” kaysa “Si Maria ‘ay’ naglalaba”.

I hope, with all these, everyone had learned, including me and Mr. Soriano, our lesson. Mabuhay ang Wikang Buhay! Mabuhay ang Filipino!