Isang abala sa kanto | Isang abala sa pagtulog | Isang abala sa pagkain | at isang uripon

Isang abala sa kanto | Isang abala sa pagtulog | Isang abala sa pagkain | at isang uripon

Martes, Agosto 16, 2011

Nanonood ka ba ng Mula sa Puso?

ni tulalang isda
Si Gloria nagninilay-nilay
Medyo kakaiba ang revival ng Mula sa Puso. Kung natatandaan ko pa ng tama, ang Selina noon na ginanapan ni Princess Punzalan, nakakairita tumawa. Pero itong Selina ngayon, aba loka-loka. Akalain mong para malusutan nya ang kung anu-anong krimeng ginawa nya, eh mayroon syang biniktima upang lapatan ng kanyang pagmumukha?

Hindi ko tuloy maiwasang hindi maisip na nag-ala Selina na itong si Madam Gloria. Sa kapapasok nya ng ospital, aba ano nga namang malay natin kung may inupahan na sya para magpa-opera ng mukha at magpanggap na sya? Na kaya bawal syang magsalita (kuno) ay dahil iba nang tao ito na may ibang boses din?

Modern decoy ba, impersonator na bonggang bongga! At in fairness, hindi malayo sa katotohanan!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento