ni tulalang isda circa 2009
Dapat gutom ka bago mo inumin yan. Oo, ‘wag ka munang mag-hapunan. Mamaya mo na ba gagawin? E ‘di may dala ka na palang pera. Mamayang alas-otso, dalawang Cytotec ang ipapasok mo sa ari mo. Saka isusunod mo ‘yung pahilab, dalawa rin ha, miss? O baka naman matakot ka pang ipasok yun sa ari mo, eh pinasukan mo na nga yan ng “kuwan”.
Ang totoo, hindi basta-basta nabebentahan ‘pag walang kakilala. Kahawig mo kasi si Leah, ‘yung dalaga ko kaya pinag bigyan kita. Maganda yun si Leah. Anak ko kasi yun sa kano. Napatira ‘ko malapit sa ‘gapo nung dalaga pa ‘ko, pero di ako pokpok ha. Nag weytres lang ako ‘run. Saka naging jowa ko talaga si Allen. Yun nga lang, na-dedo ang loko. Ayun nga, hindi nagbebenta basta-basta. Nakikita mo ‘yang mga nakanga latag na paninda na ‘yan, yang pa-ikot sa simbahan? Lahat yan nag bebenta rin, pero ‘wag kang mag tataka kung tatanggihan ka nila kasi syempre takot silang mahuli o masumbong, kaya ma-swerte ka. Pinagbigyan kita kahit ‘eto, pasara na rin ako.
Okey, ‘di ba nga ipapasok mo yung tig-dalawang Cytotec at pahilab sa ari mo ng alas-otso? Pagka alas-nuebe naman at alas-dyes, iinumin mo naman yan. Oo, tig-dalawa pa ‘ring gamot at pahilab. Pero payat-payat ka naman eh. Pag ganyan kasi ka-payat, kahit siguro sa alas-nuebe ka na lang uminom, tatalab na. Pero ikaw, uminom ka na rin siguro ng alas-dyes para sigurado. Saka sayang ‘yung bibilhin mo, kasi nasabi ko ba sa’yong hindi ako nagbebenta ng tingi-tingi? Per set ang benta ko. Mukha namang may pam-bili ka eh, sa kinis mong ‘yan…mukha kang anak-mayaman. Tatlong libo ‘yung branded, two-five ‘yung generic, ikaw…ano bang kukunin mo?
Sikreto lang ‘to ha, pero yung anak kong si Leah eh halos ka-edaran mo rin nang lumobo ang tyan. Disiotso ka kamo ‘di ba? Si leah ko nga nun, disi-sais. Ayoko. Ang sama-sama ng loob ko kay Leah. Sabi ko, “bakit ka nabuntisan, pinilit ka lang ‘di ba? Pinwersa ka…?” Hindi daw. Hindi. Mas mabuti pa nga kung pinwersa s’ya eh. Mas okey. Ang ibig ko sabihin, mas magaang sa loob. Pero hindi ganun. Nagmahal daw s’ya. Natukso daw sya. Kung anu-ano pang ka-dramahan ang dinahilan ni Leah, samantalang simple lang naman ‘yung dahilan kung bakit lumobo ‘yung tyan n’ya: lumandi s’ya, bumukaka s’ya, puta…mana sa ina ha! Ha! Ha! Ha!
Pinilit ko s’yang ituro yung lalaki. Sabi ko panagutan s’ya dapat non. Bulong lang. Hindi kami sumisigaw. Ayokong ma chismis kami, o marinig ng mga kapitbahay. Sabi n’ya di daw pwede. Ang lagay kasi eh pamilyado tapos nawala raw parang bula nung sinabi n’yang magkaka-anak sila.
Ikaw nga may choice ka pa, pa-choosy ka pa. pwedeng ‘yung branded o generic, may pambili ka. Eh kami n’on ni Leah, wala. Kahit s’ya ayaw n’yang buhayin yung nasa t’yan n’ya. Katwiran n’ya, dugo pa lang yun. Hindi pa yon nakakalanghap ng hangin-skwater, hindi pa tao yun. Saka sabi pa nya, mapapalitan n’ya, makakagawa ulit s’ya ng bata. Hindi ko alam kung baluktot na katwiran ang mga ‘yon, pero umayon na lang ako sa dalaga ko. Saka, usapan kasi namin, mag-aartista s’ya. Idol n’ya nga si Judy Ann… Artistathin ‘yong si Leah ko, parang ikaw. At saka kahit laking skwater ‘yun, hindi ko ‘yon pinagagawa ng mabigat para hindi magka peklat. Kasi nga kako, mag-aartista s’ya.
Ang problema n’on, hindi ako makabili ng pampalaglag dito sa paikot sa Quiapo, tapos wala pa non sa Divisoria. Vendor na ko noon eh, pero hindi nitong mga pildoras na pampalaglag. Gulay ang tinitinda ko. Kako, kapag dito ako bumili, ma chi-chismis si Leah ko. Puring-puri kasi ‘yon ng mga kapwa tindera, saka kahit mga kargador hindi ‘yon mabiro o mabastos. Laking palengke kasi ang anak ko. Kinagigiliwan ng lahat. ‘ika ko, kapag dito ko bumili, lalong hindi matutupad ‘yung mga gusto ni Leah, kasi kapag me ibang naka alam, tapos magiging artista yung dalaga ko, syempre hahalukayin ang buhay n’ya. At syempre, malalaman ng mga intrigerong nagpalaglag s’ya. Saka ang totoong dahilan, wala rin kaming pera. Ang mahal.
Kaya ang ginawa namin, nag-ikot kami sa Pasay, sa may Malibay...baka kasi mas mura, tutal at wala namang iinuming gamot. Alam kong merong mga nagma-malpraktis na doktor doon na natanggalan na ng lisensya at sa kwarto-kwarto lang nag-oopera. Baka kako limang-daan lang. Dahilan ko pa non, mas ligtas kesa sa Cytotec, doon pwede kasing may matirang parte ng bata sa tyan. Ikaw, titiyakin mong walang maiiwan sa t’yan mo ha? Isang bwan na non ang t’yan ni Leah. Pero ng may makita kami, wala. Hindi namin kaya. Sa isip ko, kung may pera lang kami, o kung may mauutangan lang kahit bumyahe pa kami sa probinsya para magpa-hilot s’ya. Sa isip ko, kung may pera lang kami eh di wala na ang problema na nasa loob ng tyan ng anghel ko. Sa isip ko, kung pwede ko lang hugutin yun mula sa t’yan n’ya. Anak ng tuta.
Kaya nga miss, sabi ko ma-swerte ka. Wala kang kakilala dito, tiyak. Malaya kang bumili. Tas pag nagawa mo na yun mamayang gabi, malaya ka na ulit. Solb. Si Leah nahirapan. Oo nga pala, yang Cytotec kahit magka-reseta ka, hindi ka n’yan bebentahan sa mga Mercury. Saka ang pagkaka alam ko eh banned na ‘to, wala ng nagtitinda ng legal sa Pinas. Kaya ganyan ka-mahal.
Alam mo ba miss, kung anong mas malalang dinanas ni Leah? Ang totoo kasi n’yan nung nag-ikot kami sa Pasay may napasok kaming isang klinika. Lalaki yung gagawa. Tipong manyakis. Sabi n’ya, ang kinis daw ng anak ko. Parang anak-mayaman raw. Sabi ko, oo dok, dok ang tawag ko. Sabi ko, oo …makinis yang dalaga ko… Ang sabi nung mama, artistahin eh, bakit nagpa-buntis. Mag-aartista nga yan dok eh, sabi kong ganon. Baka kasi maawa ‘di ba? Pag nalamang me pangarap naman pala yung dalaga ko. Sayang talaga, pakli nung wala nang lisensyang doktor, sayang.
Tapos eto, biglang humirit. Sabi, patikim daw. Isang gabi lang tapos sagot na n’ya yung opera. Pwede nang mag-artista si Leah, tapos me kakilala pa daw s’ya sa t.v, ipapakilala raw ‘yung anak ko pagka na-operahan. Sikreto lang daw namin, basta patikim muna. Isang gabi lang. Ngayon lang, tapos sikreto lang. Paulit-ulit s’ya. Ako, di maka-imik. Si Leah ko, hindi rin kumikibo, pero nakita kong hindi takot. Tapos nung pumasok na sa isip ko ‘yung mga sinasabi nung lalake, saka pa lang ako sumigaw ng animal ka! wala kang awa…buntis na, gusto mo pang tirahin? Sabi n’ya, hindi s’ya namimilit. Nagagandahan lang raw s’ya sa anak ko, saka pribilehiyo pa raw namin ‘yun. Nangingisi lang ‘yung babaeng katu-katulong na nars ng doktor, saka humirit ng, nay, sabi sa’kin. Wag na raw akong mag-inarte pa na parang birhen ‘yung anak ko, sabay lumabas ng klinika’t ibinalibag ang kahoy na pinto.
Biglang sumabat yung dalaga ko. Sabi, sige na, sige na, sige na. ‘Di ako makapag-isip non. Hindi ko alam ang tama sa mali. Kasi gusto ko lang maging malaya ‘yung anak ko para matupad n’ya yung mga pangarap n’ya. Sabi n’ya, nay nalaspag na ng iba ‘tong katawang ‘to. Wala nang mawawala sa’kin. Gusto kong umahon sa hirap. Gusto kong mag-artista. Nay, gusto kong tulungan kang makawala sa impyernong ‘to. Katawan ko ‘to. Wala nang mawawala.
Di pa rin ako kumibo, pero tumindig si Leah. Sabi nung doktor, sunod lang raw si Leah sa kanya. Medyo makapal na kurtina lang ang partisyon ng klinikang ‘yon. Naaaninag ko sila pagka-pasok. Naaaninaw ko kung pa’no nababoy ‘yung anak ko. Tang ina, ano akong klaseng ina…ni hindi ko man lang mahatak ang anak ko.Tapos pumikit ako pero naririnig ko yung anasan. Impit ba yun Leah, o parang nasisiyahan ka? Nakaka praning. Mas nakaka-praning pala ‘yung ganon. Yung naaaninag mong parang saging na binabalatan ‘yung anak mo, tapos kung pipikit ka naman parang sigaw sa tenga mo ‘yung impit…impit nga ba o halinghing?
Natagpuan ko na lang ‘yung sarili ko n’on na kinukuyumos ko na pala yung kurtina, tapos imbis na awatin, pinanonood ko sila. Kasi mas nakaka praning na anasan lang ‘yung maririnig at anino ang nakikita. Kumbaga, times three ‘yung naiisip ko sa talagang nangyayari. Kaya sa ka-praningan ko,naisaloob ko na mas maigi pa ngang harapan ko na lang makita. Miss, siguro mahirap maunawaan ‘yung inasal ko. Pero kung nandodoon ka, baka ganun ‘din ang gagawin mo.
Nakita kong hindi naman pala halinghing kundi impit. Nakatingin lang sa kisame ‘yung anak ko na parang trosong pinapalakol. Hayok na hayok ‘yung doktor. Para kong mabubuwal non sa pagkakatayo, sobrang nalamukos ko na ang kurtina. Nasaksihan ko kung pa’no n’ya sinubo at nilantakan yung isang suso ng anak ko na parang gutom na gutom, habang nilalamukos n’ya noon yung kabila. Tang ina, ‘yung binababoy n’yang katawan, iningatan ko ‘yon. Ni ayaw kong nagkaka-pasa si Leah ‘ko.. Tapos binukaka n’ya si Leah. Pinasok n’ya ‘yung kanya. Buntis yon. Buntis ‘yung binababoy n’ya non!
Bumitaw ako sa kurtina tapos naramdaman ko na lang nakasalampak na ako sa sahig.
Tapos ayun, naka-bihis na s’ya. Sabi n’ya, babalik daw kami bukas. Okey na raw. Magiging okey na ang lahat-lahat. Pipila na ulit kami sa mga awsdisyon sa t.v. Nasasabik na raw s’yang lumabas kahit tulad ng dati eh extra o talent lang.
Tapos kinabukasan, pagbalik namin, bukas ‘yung klinika, pero iba yung doktor. Nakita ulit naming yung nars na nagbalibag ng pinto noong nakaraang gabi, laylay balikat sa pagkakabuhat ng mabigat na bag. Tanong ko, miss asan na si dok? Tumawa s’ya. Halakhak. Nagtaka ako. Tapos tanong ko, bakit? Asan na si dok? Humahagikgik s’yang sumagot, tanga kami at nagamit daw kami…hindi daw doktor ‘yung kagabi. Nag-deliver lang ‘yon ng gamit nung totoong doktor sa loob. Tapos humalakhak ulit yung pekeng nars. Di n’ya naman daw akalaing ganon kami katatanga at kadesperado. Palabiro daw yong “Mike”, kumagat naman kami, uyam pa n’ya. Ang tigas ng kamao ng anak ko. Matigas din ang pagtaas-baba ng dibdib. Ako, puro mura non. Sinabunutan ko yung nars sa harap ng pintong binalibag n’ya. Winasiwas ko ‘yung katawan sabay pinagtinginan at pinagtawanan lang kami ng iilang malapit ‘don.
Na-baboy yung anak ko. Na-gamit yung katawan. Anong silbi na mag-habol kami? Para s’yang basong hinawakan. Binuksan nung estranghero ‘yung palad, Tapos nalaglag yung baso. Ayon, basag na basag.
Inalo ko si Leah. ‘Ka ko, mag-iipon ako ng pambiling gamot o ‘di kaya ng pamasahe pa-probinsya para doon makapag pa-hilot. Hindi kumikibo yung dalaga ko.
Isang umaga, umalis akong mas tulala sa karaniwan si Leah. Sabi ko, habang bumabalong na pala yung luha sa mga mata ko, saglit na lang makaka-ipon na ‘ko ‘nak. Konting tiis na lang. sagit na lang. Pero, ayun…pag-uwi ko, nakita ko na lang s’yang nakahandusay sa may kusina. Dalawang b’wan na non ang t’yan n’ya. Miss, kung nakita mo lang yung dugo galing sa ari n’ya…o ‘di kaya yung barbeque stick na sinuksok at pinang tusok n’ya sa pwerta para malaglag ‘yung nasa t’yan n’ya, mapapaiyak ka. Nasa sahig s’ya, yakap ng braso ang mga tuhod na parang ‘di pa naipapanganak na sanggol. Pikit ang mata, walang kunot sa noo na parang pulos kabanalan at ka inosentehan ang naranasan. Para s’yang puting bangkang papel na inaanod sa dagat na dugo.
Hinatak ko s’ya sa braso. Sabi ko…’nak, saglit na lang. Konting tiis lang. Makakai-pon na ko. Pero hindi kumibot ang katawan ni Leah.
Hindi na s’ya umabot sa ospital. ‘Ani Aling Marsing, ‘yung kapit-bahay…sana binuhay ko na lang raw. Hindi ‘yung ganyan, pati anak ko, nawala kasama nung bagay na nasa t’yan n’ya.
Kaya ma-swerte ka. Nakaka-inggit ka nga. Kaya rin ako nag-bebenta nito eh, para naman makatulong ako sa mga nabibilanggo ng kaprasong dugo sa mga tyan nila. Kasalanan daw magbenta, pero wala akong pinipwersang bumili. Kung gusto naman nilang buhayin yung bata kahit trese anyos lang silang nabuntisan, kung parte ‘yon ng rasyonal nilang pang-sariling interes, hindi sila lalapit dito, ‘di ba? Kung kaya nilang baguhin ang mga pangarap nila at sirain para sa mga nasa sinapupunan nila, gawin nila. Basta ako, andito sa mga tulad n’yo ni Leah na gustong maging malaya. Kaya ikaw, ‘wag kang mag-aalala ha? Basta tiyakin mong nailabas mo lahat. Para ka lang rereglahin ‘pag nagawa mo ‘yan. Makakapasok ka pa sa skwelahan kinabukasan. Bawal muna yung maaasim na pagkain, yung softdrinks, gatas at milo…
Sabi nga ni Leah ko, dugo pa lang ‘yan. Wala pang buhay. Hindi kasalanang ilabas. Mapapalitan. Tama naman s’ya. Wala pang buhay ‘yan.
Siguro sa iba, sa mga naglalakad ng paluhod d’yan sa simbahan si Leah ang masama, ang anak ko ang demonyo. Pero hindi. Ang totoo, s’ya ang mas biktima kesa sa pagiging biktima nung nasa t’yan n’ya. S’ya ang mas kawawa dahil nawala lahat-lahat ng posibilidad n’ya, lahat ng magagawa n’ya gamit ‘yung mga abilidad n’ya…samantalang ‘yung batang nalaglag sa t’yan n’ya, oo tumibok ang puso, pero wala naman pa yung totoong buhay. Walang masyadong nawala ‘ron. Hindi pa ‘yon nakakalanghap ng skwater-hangin. Ano bang pinag-iba non sa aso o puno na pare-parehong, oo nga may mga buhay, pero pare-parehong rin namang walang nahawakang nakaraan at pinlanong hinaharap?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento