Isang abala sa kanto | Isang abala sa pagtulog | Isang abala sa pagkain | at isang uripon

Isang abala sa kanto | Isang abala sa pagtulog | Isang abala sa pagkain | at isang uripon

Linggo, Agosto 28, 2011

Kaya may KMG

ni nakikipagtalik sa oras

Marami siguro ang nagtataka bakit bigla na lamang nabuo itong pahinang ito sa cyberspace. Sino ba ang mga taong ito na kung anu-anong pinagsasabi eh kung tutuusin ang mga salita at ideya na mababasa dito ay maaring nabasa mo na o mababasa mo rin sa iba? Anu naman kung kami ang nagsalita tungkol sa bagay na nais naming pag-usapan na maaring patok ring pinag-uusapan ng komunidad, may magbabago ba?

Kaya napag-isipan kong ilahad ang aking layunin sa paggawa ng blog na ito. Hindi ko lubusang batid kung ang layunin ko ay layunin rin ba ng aking mga ka-lupon sa blog na ito. Maaring oo, maaring hindi.  

Una sa lahat batid kong hindi kami yayaman sa blog na ito. Pero umaasa akong balang araw (to the extreme hope) may mabuting kalooban na matuwa sa mga pinagsasabi namin at ma-ilibre man lang kami ng kape. (Starbucks ha? Vanilla Frappe Venti order ko po)
Pangalawa. Gusto kong maging bantog! Bakit ba? Masama?! Pero naisip ko, paano mangyayari ‘yun eh puro pen-names lang ang gamit namin dito.
Pangatlo.  Ito siryoso, fulfilling ang pakiramdam tuwing makikitang may mga nagbyu-view ng blog namin. Alam mo iyong ORAS na inilaan nila, yung effort sa pag-click para mapunta sa webpage namin..MARAMING SALAMAT. In short, papansin kasi ako..ayun fulfilling sa feeling kapag napansin syempre!
At pang-huli…bilang naka-isip ng titulo ng blog page na ito, ang KUNWARE MAY GANITO ay isang blog na walang TIYAK na tema o layunin. Bunga lang ito nang aking pagkakamali noon, may nauna pa kasing kaming blog bago ito. Nagkaroon ng problema, ayaw magload ng maayos ng lay-out kaya gumawa ako ng bago, at ito iyon.

Hindi kami kasing tanyag ni Bob Ong o kasing galing ni Jose Rizal magsulat. Gayunpaman, kaya may ganitong pahina sa cyberworld ngayon dahil ang mga taong bumubuo ng blog na ito ay bored sa buhay at napagtripan gumawa nito. Joke lang. Yung tooo, may nais kaming sabihin. Hindi rin kami mga superheroes na maililigtas ang mundo sa pamamagitan ng pagsusulat dito, ngunit sa munti naming paraan ng pagpapahayag ng aming mga ideya, opinyon at suhestiyon  nawa ay makatulong sa pagpapalwak ng karunungan.

KUNWARE MAY GANITO
...kung may maituturing na layunin ang blog na ito, siguro ito ay ang pagbubukas sa isipan ng tao na minsan sa ating buhay may mga bagay na ganito at hindi ganyan… 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento