Isang abala sa kanto | Isang abala sa pagtulog | Isang abala sa pagkain | at isang uripon

Isang abala sa kanto | Isang abala sa pagtulog | Isang abala sa pagkain | at isang uripon

Linggo, Agosto 28, 2011

Si Pepe at Si Jose

ni kapurit na laman

Musmos man ituring,
sa likod ng katotohanan isang malayang bata silang nagpapalipad ng saranggola.
Batakin ang pisi, batakin pa ng batakin,
tatayog naman ng tatayog ang papel de hapon sa langit.
Magkasamang magpalipad, magkasamang lilipad,
sa katayugan 'di sila mapigil 'gang di nauubos ang pisi.
Ngunit bago maubos ang tali ng saya, ang pisi ay napigtal,
ang papel de hapon ay pumahimpapawid ng tuluyan, di na maabot, di na makukuha.
Kahit na, sila naman ay naging maligaya,
naging malaya, naging marahas, ngunit maligaya.

1 komento:

  1. dapat maging masaya na tayo sa mga mabuting nangyari sa atin, kahit gaano kabilis mawala ang mga ito.

    TumugonBurahin